Ipinahayag Linggo, Hunyo 3, 2018, ni Rashid Alimov, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na ang gaganaping SCO Summit sa Qingdao ay magsisilbing milestone na may katuturang historikal sa proseso ng pag-unlad ng organisasyong ito.
Binigyan ni Alimov ng positibong pagtasa ang ginawang ambag ng Tsina sa pag-unlad ng SCO. Aniya, kasabay ng 17 taong pag-unlad ng SCO, ang Tsina ay hindi lamang namumuno sa multilateral na kooperasyon sa ideya ng kooperasyon, kaisipan ng kaunlaran, at pagtakda ng target, kundi nagkaloob din ito ng konkretong plano at nagsabalikat ng mas maraming responsibilidad para sa pag-unlad ng SCO.
Dagdag pa niya, nitong nakalipas na isang taon sapul nang manungkulan ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng SCO, aktibo nitong pinasulong at matagumpay na itinaguyod ang mahahalagang pulong na pangmekanismo at malalaking multilateral na aktibidad sa mga larangang gaya ng seguridad, kabuhaya't kalakalan, kultura, siyensiya't teknolohiya at iba pa. Mabisa rin aniyang pinasulong ng Tsina ang kooperasyon ng iba't ibang kasaping bansa, at pinaunlad ang SCO sa bagong yugto.
Salin: Vera