Ipinahayag kamakailan ng Unyong Europeo(EU) na hindi angkop sa mga may-kinalamang regulasyon ng World Trade Organization (WTO) ang mga hakbang ng Tsina hinggil sa paglilipat ng teknolohiya, at hiniling nitong pasimulan ang may-kinalamang negosasyon at pagsampa ng akusasyon batay sa balangkas ng WTO.
Hinggil dito, ipinahayag Hunyo 3, 2018 ng namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palaging pinahahalagahan ng Tsina ang proteksyon at kooperasyon sa larangan ng Intellectual Property Right (IPR). Naitatag aniya ng Tsina at EU ang mekanismo ng IPR working group, at mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa ilalim ng mekanismong ito.
Aniya, ikinalulungkot ng Tsina ang naturang aksyong isinagawa ng EU. Magsisikap ang Tsina para maayos na hawakan ang naturang isyu, batay sa mga may-kinalamang regulasyon ng WTO, dagdag niya.