Inilabas Martes, Hunyo 5, 2018 ng World Bank (WB) ang pinakahuling outlook report kung saan tinaya nito ang paglago ng kabuhayan ng mga pangunahing bansa ng Asya sa taong 2018. Kabilang dito, nasa unang limang puwesto ang India, Bhutan, Kambodya, Pilipinas at Myanmar, na may 7.3%, 6.9%, 6.9%, 6.7% at 6.7%, ayon sa pagkakasunod. Samantala, nasa ika-9 na puwesto ang Tsina sa antas na 6.4%.
Ayon pa sa nasabing ulat, may pinakabatang estruktura ng manggagawa ang Pilipinas, at "positibo ang tunguhin" ng mid-term growth prospect nito. Noong 2016 at 2017, nasa ika-6 at ika-9 na puwesto sa Asya ang paglago ng kabuhayan ng Pilipinas, at ang kasalukuyang ika-4 na puwesto ay ang pinakamagandang naabot ng bansa, nitong ilang taong nakalipas.
Salin: Vera