Nagpulong ngayong araw, Lunes, ika-23 ng Abril 2018, sa Beijing, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinggil sa kalagayan at gawain ng kabuhayan sa kasalukuyan. Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Ayon sa pulong, pagpasok ng taong ito, sa harap ng masalimuot na kalagayan sa loob at labas ng bansa, nananatiling matatag at mabuti ang takbo ng kabuhayang Tsino. Pero, umiiral pa rin ang mga hadlang sa tuluy-tuloy na pagbuti ng kabuhayan. Iniharap din sa pulong ang mga kahilingan sa iba't ibang lugar at departamento, na buong sikap at buong husay na tupdin ang tatlong pangunahing tungkulin, na kinabibilangan ng paglutas sa mga malaking banta sa kabuhayan, ibayo pang pagbabawas ng kahirapan, at paglaban sa polusyon.
Salin: Liu Kai