Inilabas ngayong araw, Lunes, ika-30 ng Abril 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng bansa sa buwang ito. 51.4 ang indeks na ito, at nananatili sa positibong lebel.
Ang PMI ng sektor ng manupaktura ay isa sa mga indicator sa tunguhin ng makro-ekonomiya. Ayon sa nabanggit na kawanihan, ang pananatili ng indeks na ito sa positibong lebel ay nagpapakitang hindi nagbabago ang mainam na tunguhin ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai