Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahigit 1,000 taon ng ginintuang panahon ng Pilipinas at Tsina, inaasahan – Alan Cayetano

(GMT+08:00) 2018-06-10 09:21:08       CRI

Manila --- Ipinahayag dito Sabado, Hunyo 9, 2018 ni Kalihim Alan Peter Cayetano ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas, na ang relasyong Pilipino-Sino ay pumapasok sa ginintuang panahon at umaasa siyang mananatili ang kalagayang ito sa mahigit 1,000 taon.

Nang araw ring iyon, idinaos sa Philippine International Convention Center (PICC) ang "Celebration of the 43rd Anniversary of Philippine-China Diplomatic Relations and the Filipino-Chinese Friendship Day."

Si Kalihim Alan Peter Cayetano ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas

Sa kanyang pagdalo, sinabi ni Cayetano na ang kasalukuyang pamahalaan at mga Pilipino ay nakahandang maging mainam na kapitbahay sa mga karatig-bansa na gaya ng Tsina.

Pero, sa kabila nito, may pagdududa pa rin mula sa ilang sektor ng Pilipinas kung gaano kahaba ang itatagal ng nasabing ginintuang panahon, aniya.

Binigyang-diin ni Cayetano na dapat magtulungan ang pamahalaan ng dalawang bansa para ibayo pang pasulungin ang mga kooperasyon sa imprastruktura, teknolohiya at Internet economics, at people-to-people exchanges.

Dagdag pa niya kung malalaman ng bawat Pilipino na may mga kooperasyon ang dalawang bansa, at ang mga ito ay magdudulot ng mga aktuwal na kapakanan at win-win situation, maglalaho ang mga pagdududa.

Umaasa aniya siyang mananatiling matatag at matibay ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, na hindi kayang baguhin ng sinumang tao, anumang insidente at pamahalaan.

Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Cayetano na maliit lang ang proporsyon ng isyung ito sa kabuuang relasyon ng dalawang bansa, at kung magaganap ang sagupaan sa lugar na ito, walang anumang bansa ang magkakamit ng tagumpay at benepisyo.

Sinabi pa niyang sapul nang manungkulan si Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas, maayos na nakontrol ng dalawang bansa ang kalagayan sa SCS.

Naniniwala aniya siyang sa pangmatagalang pananaw, kayang-kaya ng dalawang bansang hanapin ang maayos na paglutas sa isyung ito.

Pinapurihan din niya ang positibong papel ng mga Filipino-Chinese sa pagpapasulong ng matatag na pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Sinabi pa niyang ang bawat Pilipino na nasa Tsina at Tsino na nasa Pilipinas ay maaring maging tulay sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

Kailangan ng Pilipinas ang Tsina at kailangan ng Tsina ang Pilipinas, dahil kailangan ng dalawang bansa ang isang mabuting kapitbahay, aniya pa.

Si Ambassador Zhao Jianhua ng Tsina

Dumalo rin sa aktibidad sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Ambassador Zhao Jianhua ng Tsina, President Peter Choi ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines at halos 2,000 tauhan ng mga sektor ng overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas.

Sulat: Ernest
Larawan: Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>