Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

(GMT+08:00) 2018-06-09 11:07:59       CRI

Nakahandang makipagtulungan ang Tsina sa Pilipinas, para pasulungin ang magkasamang pag-unlad at mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan, at maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan sa rehiyon.

Ito ang ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas sa Manila, Biyernes Hunyo, 9, 2018 sa Magkasamang Pagdiriwang ng Ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at 17th Filipino-Chinese Friendship Day.

Si Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas

Sa nasabing aktibidad, sinariwa ni Embahador Zhao ang mapagkaibigang kasaysayan ng dalawang bansa at kasalukuyang kalagayan ng mga kooperasyon.

Noong taong 2017, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay lumampas sa 50 bilyong US Dollars. Ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Halos 1 milyong turistang Tsino ang naglakbay sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Zhao na itinakda nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas ang pangmatagalang plano ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

Nakahanda aniya siyang palalimin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon at mapaliit ang mga hidwaan sa hinaharap.

Si Harry Roque, tagapagsalita ng Pangulong Pilipino

Samantala, binasa ni Harry Roque, tagapagsalita ng Pangulong Pilipino, ang mensaheng pambati ni Pangulong Duterte para rito. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang malaking ambag ng mga Filipino Chinese sa bansang ito.

Bukod dito, umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalalim ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa para tulungan ang pag-unlad ng Pilipinas sa kabuhayan at lipunan at likhain ang mas maraming pagkakataon ng trabaho para sa mga Pilipino.

Si Domingo H. Yap, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII)

Ipinahayag naman ni Domingo H. Yap, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII), na maayos ang kasalukuyang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas, at dapat patingkarin ng mga Filipino Chinese ang mahalagang papel bilang tulay sa pagitan ng Tsina at Pilipinas upang palalimin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Ilan daang kinatawan ng mga samahan ng Filipino Chinese, embahadang Tsino, at opisyal ng pamahalaang Pilipino ang lumahok sa nasabing aktibidad.

Ulat / Larawan: Ernest
Pulido : Mac
Web Editor : Lito 
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>