Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Binuksan Martes, Hunyo 12, 2018 ang Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Corridor Governors Forum. Kalahok dito ang mga kinatawan mula sa 6 na bansa sa GMS na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, at mga dalubhasa ng Asian Development Bank (ADB).
Ang tema ng nasabing 4 na araw na porum ay "Komprehensibong Pagpapasulong ng Long-term Partnership na Pinamumunuan ng mga Proyekto." Magtatalumpati ang mga kalahok na gobyernador tungkol sa pagpapalakas ng diyalogo sa patakaran ng mga pamahalaang lokal, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa mga proyekto sa kahabaan ng GMS economic corridor, at irerekomenda ang mga kaukulang proyektong pangkooperasyon.
Ayon sa salaysay, nitong nakalipas na 10 taon sapul nang itatag ang nasabing porum, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibnag panig, nagkaroon ng maraming komong palagay ang mga lalawigan, lunsod at estado ng iba't ibang bansa sa kahabaan ng koridor, at mabungang mabunga ang kooperasyon nila sa iba't ibang aspekto, bagay na mabisang nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng rehiyon, at nakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.
Salin: Vera