Binuksan ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Hunyo 2018, sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ang Ika-5 China-South Asia Expo at Ika-25 China Kunming Import and Export Fair.
Ang 7-araw na ekspong ito ay nagtatampok sa kooperasyong may win-win result, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Mahigit 3800 bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang nagtatanghal sa ekspong ito. Kabilang dito, 526 ang galing sa mga bansa ng Timog Asya, at 513 naman ang galing sa mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Salin: Liu Kai