|
||||||||
|
||
Manila--Upang ipagdiwang ang ika-43 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, ginanap Miyerkules, Hunyo 13, 2018 ang "China Theater" Launching Ceremony na magkakasamang itinaguyod ng State Administration of Radio and Television (SART) ng Tsina, China Media Group, at People's Television ng Pilipinas (PTV). Isasahimpapawid sa PTV ang Filipino version ng apat na pelikula at TV series ng Tsina na kinabibilangan ng dramang "Feather Flies to the Sky," pelikulang "Beijing Love Story," animation na "The Sammy and Jimmie Animation," at dokumentaryong "Marco Polo."
Mga personaheng Tsino't Pilipino habang nagto-toast para sa pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng "China Theater."
Dumalo sa seremonya ng paglulunsad sina Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), Dino Antonio C. Apolonio, General Manager ng PTV; Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Ma Li, Direktor ng Departamento ng Kooperasyong Pandaigdig ng SART; at Hu Mu, Puno ng delegasyon ng China Media Group.
Si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, habang nagtatalumpati sa seremonya ng paglulunsad.
Ipinalalagay ni Emabahador Zhao na sa pamamagitan ng pagsasahimpapawid ng mga Chinese TV series sa Pilipinas, malalaman ng mga Pilipino ang reporma at pagbubukas ng Tsina, at mararamdaman ang mahalagang pagkakataon na dulot ng kaunlaran ng Tsina para sa mga mamamayan ng buong mundo, na kinabibilangan ng mga kaibigang Pilipino.
Kalihim Martin Andanar ng PCOO, habang nagtatalumpati sa seremonya ng paglulunsad.
Ayon kay Kalihim Andanar, ang proyekto ng "China Theater" ay mahalagang bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative.
Sinabi naman ni General Manager Apolonio ng PTV, ang pagsasahimpapawid ng "China Theater" ay makakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Ulat / Litrato: Ernest / Sissi
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |