Kaugnay ng hakbanging pangkalakalan laban sa Tsina na inilabas nitong Biyernes, ika-15 ng Hunyo 2018, ng Amerika, ipinahayag nang araw ring iyon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagdating sa isyu ng kalakalan, isinagawa na ng dalawang bansa ang ilang round ng pagsasanggunian, para malutas ang pagkakaiba, at maisakatuparan ang win-win.
Ikinalulungkot aniya ng Tsina, na sa kabilang ng mga narating na komong palagay, laging nagbabago ang Amerika, at inilunsad ang "trade war." Ito ay buong tatag na tinututulan ng Tsina, dahil ito ay makakapinsala sa interes ng kapwa panig, at pandaigdig na kaayusang pangkalakalan, dagdag ng tagapagsalita.
Sinabi ng nabanggit na tagapagsalita, na ayaw lumahok ang Tsina sa trade war, pero dapat ipagtanggol ng Tsina ang interes ng bansa at mga mamamayan, at pangalagaan ang globalisasyong pangkabuhayan at multilateral na sistemang pangkalakalan. Aniya, ilalabas ng Tsina ang hakbangin ng pagpataw ng taripa, na katulad ng iyon ng Amerika, at mawawalang-bisa ang mga bungang natamo ng dalawang panig sa mga nagdaang pagsasanggunian.
Tinukoy din ng tagapagsalita, na sa kasalukuyan, ang pagsasagawa ng trade war ay di-angkop sa interes ng buong mundo. Nanawagan aniya ang Tsina sa iba't ibang bansa, na magkakasamang tutulan ang ganitong aksyon, at ipagtanggol ang komong interes ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai