Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Mayo 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapalabas ng Amerika ng pahayag hinggil sa bagong plano ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino ay salungat sa komong palagay na narating ng dalawang bansa sa kanilang pagsasanggunian kamakailan sa Washington DC. Ito rin aniya ay masama sa reputasyon ng Amerika.
Dagdag ni Hua, kung igigiit ng panig Amerikano ang maling aksyong ito, isasagawa naman ng panig Tsino ang mga kapwa matinding hakbangin, para ipagtanggol ang sariling mga lehitimong kapakanan.
Nauna rito, inilabas kahapon ng White House ang pahayag, na nagsasabing bago ang ika-15 ng susunod na Hunyo, ilalabas ng panig Amerikano ang listahan ng mga produkto ng teknolohiyang industriyal ng Tsina na nagkakahalaga ng halos 50 bilyong Dolyares, na papatawan ng Amerika ng 25% na taripa.
Salin: Liu Kai