Inilabas kahapon, Biyernes, ika-15 ng Hunyo 2018, ng pamahalaang Amerikano ang listahan ng halos 50 bilyong Dolyares na aangkating panindang Tsino, na papatawan ng karagdagang 25% taripa.
Ipinahayag ng pamahalaang Tsino, na ang aksyong ito ay labag sa mga tuntunin ng World Trade Organization, at salungat sa mga narating na komong palagay sa nagdaang ilang pagsasanggunian ng dalawang panig. Ito rin ay lumalapastangan sa lehitimong karapatan at kapakanan ng Tsina, at nakakapinsala sa mga interes ng bansa ng mga mamamayang Tsino.
Ilang oras pagkatapos nito, inilabas naman ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina ang listahan ng halos 50 bilyong Dolyares na aangkating panindang Amerikano, na papatawan ng karagdagang 25% taripa.
Salin: Liu Kai