Kaugnay ng pahayag na inilabas kahapon, Martes, ika-29 ng Mayo 2018, ng White House ng Amerika, hinggil sa bagong plano ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino, inilabas ngayong araw ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pahayag, na salungat ito sa komong palagay na narating ng dalawang bansa sa kanilang pagsasanggunian kamakailan sa Washington DC.
Tinawag ng naturang ministring Tsino ang nabanggit na pahayag ng panig Amerikano na "taktikal na pahayag." Nabibigla anito ang panig Tsino sa pagpapalabas ng White House ng pahayag na ito, pero hindi rin ito lampas sa ekspektasyon.
Dagdag ng naturang ministri, kahit anong hakbanging isasagawa ng panig Amerikano, may kompiyansa, kakayahan, at karanasan ang panig Tsino, na ipagtanggol ang mga interes ng mga mamamayan at estado. Hinihimok din anito ng Tsina ang Amerika, na gumawa ng mga aksyong angkop sa diwa ng magkasanib na pahayag ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai