Sa kabila ng mga narating na komong palagay ng dalawang bansa, inilabas nitong Biyernes, ika-15 ng Hunyo 2018, ng Amerika ang listahan ng mga produktong Tsino na papatawan ng karagdagang taripa.
Ipinalalagay ng tagapag-analisa, na dahil sa laging nagbabagong atityud ng Amerika sa isyu ng kalakalan, nawalang-bahala ang pagsisikap nila ng Tsina sa kanilang nagdaang tatlong pagsasanggunian, para lutasin ang isyung ito.
Sinabi rin ng tagapag-analisa, na ang trade war ay labag sa kasalukuyang tunguhin ng daigdig. Ayaw lumahok ang Tsina sa trade war, pero may kakayahan at kompiyansa ang Tsina para maayos itong harapin. Ang pagsasagawa ng Tsina ng mga katugong hakbangin bilang tugon sa aksyon ng Amerika, ay para ipagtanggol ang interes ng bansa at mga mamamayan, at pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai