Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Ruso, ibayo pang isusulong

(GMT+08:00) 2018-06-09 10:39:22       CRI

Beijing — Sa pag-uusap Biyernes, Hunyo 8, 2018, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, kapwa sinang-ayunan ng dalawang lider na igiit ang ideya ng pagkakaibigan sa hene-henerasyon at diwa ng estratehikong pagtutulungan, palawakin at palalimin ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-Ruso sa mas mataas na lebel. Samantala, ginawaran nang araw ring iyon ni Xi ng Friendship Medal of the People's Republic of China si Putin bilang lubos na pagpuri sa kanyang ginawang mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa mahabang panahon.

Sa pag-uusap pagkatapos nito, tinukoy ni Xi na nagiging mahusay, matatag, at matibay ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Rusya. Ipinagdiinan niya na sa kasalukuyan, nananatiling malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Ruso sa iba't-ibang larangan. Dapat aniyang mataimtim na pag-aralan ng dalawang panig ang mga bagong ideya at hakbangin sa iba't-ibang larangang pangkooperasyon upang makuha ang mas maraming bungang pangkooperasyon.

Tiniyak naman ni Putin ang kasalukuyang mainam na relasyong Ruso-Sino. Ito aniya ay nagsisilbing modelo ng relasyon sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. Napapatingkad nito ang mahalagang papel para mapangalagaan ang kapayapaan, seguridad, at katatagang pandaigdig.

Dagdag pa ni Putin, nakahanda ang panig Ruso na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, at imprastruktura. Hinahangaan aniya ng Rusya ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyon ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) bilang bansang tagapangulo nito. Kinakatigan ng Rusya ang matagumpay na pagtataguyod ng SCO Summit sa Qingdao.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>