Bangkok, Thailand — Mula Hunyo 15 hanggang 16, 2018, idinaos ang Ika-8 Summit ng Ayeyawady - Chao Phraya - Mekong Economic Cooperation Strategy (ACMECS) na dinaluhan ng mga lider ng limang bansang kinabibilangan ng Thailand, Myanmar, Cambodia, Laos, at Biyetnam, at mga namamahalang tauhan ng ilang organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Ang tema ng pulong ay "Pagpapasulong ng Integrasyon ng Rehiyon ng Ilog Mekong." Layon nitong palakasin ang lebel ng konektibidad ng nasabing limang bansa at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan.
Sa isang panayam, sinabi ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, na para sa rehiyong ito at buong Asya, aktuwal na nakikinabang ang mga bansa sa pagpapaginhawa at liberalisasyonng kalakalan at pamumuhunan. Umaasa aniya siyang mapapanatili ng mga bansa ang mas mahigpit na pag-uugnayan, at mas malalim na pagtutulungan. Ito ay mahalagang dahilan sa pagpapanatili ng Asya ng malakas na tunguhin at sustenableng pag-unlad, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng