Kaugnay ng pahayag na inilabas kahapon, Lunes, ika-18 ng Hunyo 2018, ng White House hinggil sa isyung pangkalakalan sa Tsina, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang aksyong ito ng panig Amerika ay para patawan ng napakalaking presyur at i-blackmail ang Tsina. Ito aniya ay salungat sa mga komong palagay ng dalawang panig.
Pagkaraang ilabas kamakailan ang listahan ng 50 bilyong Dolyares na aangkating panindang Tsino na papatawan ng karagdagang taripa, nagbanta ang Amerika na ilalabas ang isa pang ganitong listahan ng 200 bilyong Dolyares na panindang Tsino.
Sinabi ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na kung ilalabas ng panig Amerikano ang naturang listahan, isasagawa naman ng panig Tsino ang mga hakbanging may katulad na kantidad at kalidad, bilang malakas na pagganti.
Tinukoy din ng tagapagsalita, na ang pagsasagawa ng Amerika ng trade war ay labag sa batas ng pamilihan, at taliwas sa tunguhin ng daigdig. Ito aniya ay makakapinsala sa interes, hindi lamang ng mga mamamayan at bahay-kalakal ng dalawang bansa, kundi rin ng mga mamamayan ng buong daigdig. Ang pagsasagawa ng Tsina ng mga katugong hakbangin ay para ipagtanggol ang sariling interes, sistema ng malayang kalakalan, at komong interes ng daigdig, anang tagapagsalita.
Dagdag pa niya, batay sa nakatakdang iskedyul at interes ng mga mamamayan, patuloy na isasagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, pasusulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, at pabibilisin ang konstruskyon ng modernong sistema ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai