Ipinahayag ika-16 ng Abril, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga patakaran ng unilateralismo at trade protectionism na isinasagawa ng Amerika ay hindi lamang nakakapinsala sa interes ng Tsina, kundi sa multilateral na sistema ng kalakalan at interes ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Ipinahayag kamakailan ng Ministrong Panlabas ng Australia na nagsisikap ang kanyang bansa para sa pagbubukas ng ekonomiya at kalayaan ng kalakalan, at nababalisa aniya sila sa unilateral na pagpapataas ng taripa ng Amerika sa mga trade partner nito.
Tungkol dito, sinabi ni Hua na ang pagsasalita ng Australia ay nagpapakita ng komong palagay ng komunidad ng daigdig. Nakahanda ang Tsina na tutulan ang unilateralismo at trade protectionism, kasama ng iba't ibang panig, para pangalagahan ang multilateral na sistema ng kalakalan at pagbuo ng bukas na ekonomiyang pandaigdig.
salin:Lele