Sa kanyang pakikipagtagpo kay K.P. Sharma Oli, dumadalaw na Punong Ministro ng Nepal, ipinahayag noong ika-20 ng Hunyo, 2018 dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Nepal sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) para itatag ang kayarian ng komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Binigyan-diin ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyon ng Tsina at Nepal ang bagong pagkakataon. Dapat pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, patuloy na tumalima sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, igalang ang nukleong interes at pagkabahala ng isa't isa, at patatagin ang pundasyong pulitikal ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, ani Xi. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa konektibidad, rekonstruksyon, kalakalan at pamumuhunan, at iba pa, sa ilalim ng BRI, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Oli na matatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang "Isang Tsina," at hindi dapat pahintulutan ang anumang aksyon laban sa Tsina, na sa teritoryo ng Nepal. Mataas na pinahahalagahan ng Nepal ang mungkahi ni Xi hinggil sa community with shared future for mankind, at nakahandang lumahok ang Nepal sa BRI, dagdag pa niya.
salin:Lele