Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-22 ng Hunyo 2018, sa Moscow, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea. Binigyang-diin nilang, patuloy na magsisikap ang dalawang bansa, para isakatuparan ang walang nuklear na Korean Peninsula.
Kapwa ipinahayag nina Putin at Moon ang mainit na pagtanggap sa mga positibong bungang natamo ng Amerika at Hilagang Korea sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa sa Singapore, at pagkaraan nito. Umaasa anila silang makakatulong ito sa pangmatagalang kapayapaan at ganap na denuklearisasyon sa Korean Peninsula.
Sinabi ng dalawang pangulo, na palalakasin ang bilateral na pagpapalitan at pagtutulungan ng Rusya at T.Korea. Sinang-ayunan din nilang pag-aralan ang kooperasyon sa pagitan ng Rusya, T.Korea, at H.Korea.
Salin: Liu Kai