Sa pakikipag-usap sa mga dayuhang mamamahayag sa Seoul, noong ika-20 ng Hunyo, 2018, ipinahayag ni Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea na ang Tsina ay gumaganap ng mahalagang papel para sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula. Inaasahan ng Timog Korea na ang ika-3 beses na pagdalaw sa Tsina ni Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea (WPK) at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo ng kapayapaan.
Aniya, pagkaraan ng pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika sa Singapore, ang paglutas ng isyung nuklear ng Korean Peninsula ay pumasok sa bagong yugto. Pero, binigyan-diin niyang hindi tatanggalin ng Timog Korea ang mga sangsyon hangga't hindi pa kumpirmadong lubos na ligtas sa sandatang nuklear ang Peninsula ng Korea.
salin:Lele