Sa pagtataguyod ng China Meteorological Administration (CMA) at World Meteorological Organization (WMO), idinaos kahapon, Biyernes, ika-22 ng Hunyo 2018, sa Geneva, Switzerland, ang pulong hinggil sa kooperasyong meteorolohikal sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI).
Inilahad sa pulong ang hinggil sa mga natamong bunga ng CMA at WMO, nitong isang taong nakalipas sapul nang lagdaan nila ang letter of intent tungkol sa pagpapasulong ng kooperasyong meteorolohikal sa loob ng balangkas ng BRI. Isa sa mga ito ay pagkakaloob ng Tsina ng mas mabuting serbisyong meteorolohikal sa mga may kinalamang bansa sa pamamagitan ng mga meteorological satellite nito.
Ipinahayag din ng dalawang panig ang kahandaang patuloy na ipatupad ang mga plano sa nabanggit na letter of intent, para palakasin ang kanilang kooperasyon sa loob ng balangkas ng BRI.
Salin: Liu Kai