Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-16 ng Mayo, 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Meng Wei ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa 279 na proyektong napagkasunduan sa Belt and Road Forum for International Cooperation noong isang taon, 255 ang naipatupad, at ang nalalabing 24 ay isinasagawa pa.
Aniya pa, sa ilalim ng Belt and Road Initiative, maraming progreso ang natatamo sa mga aspekto ng malalaking proyekto, kooperasyon sa kalakalan at production capacity, serbisyong pinansyal, pagpapalitan ng mga mamamayan, at iba pa.
Sinabi rin ni Meng, na ang karamihan sa mga proyekto ng Belt and Road Initiative ay proyektong komersyal, na isinasagawa ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan. Aniya, kung paanong patatakbuin ang mga proyekto at paanong isasapubliko ang mga may kinalamang impormasyon ay batay sa kapasiyahan ng mga bahay-kalakal, sa halip na pamahalaang Tsino. Pero aniya, ang mungkahi ng pamahalaan sa mga bahay-kalakal ay mas maagang pagsasapubliko ng naturang mga impormasyon. Ito aniya ay para maging bukas ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai