Nag-usap Hunyo 25, 2018 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangalawang Pangulong Jyrki Katainen ng European Commission.
Ipinahayag ni Premyer Li na bilang dalawang pangunahing ekonomiya ng daigdig at pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat at pangunahing pamilihan ng pagluluwas sa isa't isa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Unyong Europeo (EU) para pangalagaan ang multilateralismo at sistema ng malayang kalakalan ng daigdig, palakasin ang liberalization at padaliin ang proseso ng kalakalan at pamumuhunan, para pasulungin ang globalisasyon at kasiglahan ng kabuhayan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Jyrki Katainen na nakahandang magsikap ang EU, kasama ng Tsina para pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan ng daigdig. Umaasa aniya siyang pabibilisin ang talastasan ng dalawang panig para tamuhin ang positibong resulta ng kasunduang pampamumuhunan.