Pinasinayaan Hunyo 27, 2018 ang Pandaigdig na Alyansa ng Belt and Road sa Hong Kong. Binuksan nang araw ring iyon ang unang taunang round-table ng nasabing alyansa.
Layon ng pagtatatag ng alyansa na magkaloob ng plataporma ng pag-uugnay at pagbabahagi ng impormasyon para sa mga chamber ng komersyo at industriya, ahensya ng pamumuhunan, at think tank ng iba't ibang lugar ng daigdig, upang mapalawak ang mga pagkakataong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ipinahayag ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) na ang Hong Kong ay maaaring gumanap ng mahalagang papel sa BRI.
salin:Lele