Nag-usap Mayo 16, 2018 sa Paris, Pransya sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Jean-Yves Le Drian ng Pransya.
Nang araw ring iyon, nang katagpuin ni Wang ang mga mamamahayag, ipinahayag niyang ang Belt and Road Initiative na itinataguyod ng Tsina ay nagdadala ng pagkakataong pangkooperasyon sa daigdig, at makikinabang din ang mundo mula rito. Aniya, nitong limang taong nakalipas, umabot sa 4 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Raod, at 60 bilyong dolyares naman ang halaga ng pamumuhunan. Aniya, naitatag ang direktang linyang panghimpapawid sa pagitan ng Tsina at 43 bansa, 75 sonang pangkabuhayan at pangkalakalan ang naitayo sa labas ng teritoryo ng Tsina, at nagtatrabaho ang mga 200 libong katao sa lokalidad dahil dito.
Sinabi ni Wang na pinatutunayan ng katotohanan na ang Belt and Road Initiative ay hindi lamang angkop sa pangangailangan ng globalisasyon, kundi nagdudulot din ng ginhawa sa mga mamamayan nito.
Umaasa aniya siyang magkasamang lalahok ang Tsina at Pransya sa konstruksyon ng Belt and Road, lalo na sa pagpapalawak ng pagtutulungan sa ikatlong pamilihan, batay sa pantay na negosasyon. Ito aniya'y makakatulong sa pagsasakatuparan ng komplementong pangkabuhayan, at ibayong pagpapalawak ng pagtutulungan ng dalawang panig.