Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang panggugulo mula sa Simbahan

(GMT+08:00) 2018-06-28 20:56:03       CRI

TINIYAK ni Bishop Reynaldo Evangelista ng Imus at chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na hindi sasama ang Simbahan sa anumang pagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.

PULISYA AT CBCP, NAG-USAP.  Pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista (gitna) ang pulong nila ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief General Oscar D. Albayalde (Pang-apat mula sa kanan).  Pinag-usapan nila ang mga iskung mahalaga sa kani-kanilang panig.  (PNP Photo)

Ito ang kanyang sinabi sa pagharap nila ni PNP Director-General Oscar Albayalde sa mga mamamahayag matapos ang kanilang pag-uusap sa CBCP Conference Room kaninang umaga.

Makatitiyak umano ang madla na hindi makikiisa ang Simbahan sa anumang balak na yanigin ang pamahalaan,

Dumalaw si General Albayalde at mga opisyal ng Philippine National Police at nakipagpalitan ng mga pananaw hinggil sa mga isyu na hinaharap ng magkabilang panig. Humingi ng tulong si General Albayalde sa CBCP na makiisa sa kanilang kampanya upang maibsan ang mga paglabag sa batas ng mga pulis. Kailangan umanong tumulong ang simbahan sa pagpapagunita sa mga pulis ng kanilang mga obligasyon sa komunidad.

WALANG DESTABLIZATION MULA SA SIMBAHAN.  Tiniyak ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista (kaliwa) na walang anumang pagkilos sa Simbahan pang yanigin at pabagsakin ang pamahalaan.  Maliwanag umano ito.  Magkasamang humarap sina Bishop Evangelista at PNP Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahayag kaninang amaga matamos ang kanilang plong sa CBCP. (Melo Acuna Photo)

Tiniyak din ni General Albayalde na tanging batas ang sinusunod ng kanyang mga pulis sa pagpapatupad ng mga kautusan. Hindi umano nila mapapanatili sa serbisyo ang mga abusado.

Bagama't kinikilala nila sa pulisya na nalutas na ang mga pagpatay sa tatlong pari mula noong Disyembre hanggang noong nakalipas na ikasampu ng Hunyo, tuloy pa rin ang imbestigasyon sapagkat inaalam pa nila ang motibo ng pagpatay. Tumanggi rin si General Albayalde na sabihing may kulay politika ang mga pagpatay.

Sa panig ni Bishop Evangelista, sinabi niyang ipararating niya sa mga Obispo ang kahilingan ni General Albayalde na magtulungan sa pagpapahusay ng pulisya sa buong bansa.

Tutulong umano ang mga Obispo sa layuning magtulungan upang matiyak ang kapayapaan sa bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>