Binuksan Hulyo 2, 2018, ang Pandaigdigang Porum ng Kooperasyong Pambatas ng Belt and Road Initiative (BRI) sa Beijing, magkasanib na itinaguyod ito ng Ministring Panlabas ng Tsina at China Law Society (CLS).
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Wang Lequan, Direktor ng CLS.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na mabunga ang BRI nitong 5 taong nakalipas sapul nang iharap ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, bukod sa pagpapasulong ng konektibidad ng mga imprastruktura, dapat walang humpay na pabutihin din ang sistemang pambatas ng BRI, at palalimin ang pagpapalitan at kooperasyon sa batas.
salin:Lele