Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liangjiahe: Kuwebang panirahan, aking komportableng tahanan (2)

(GMT+08:00) 2018-07-04 17:49:05       CRI

Ito ang ikalawang episode ng literary non-fiction na pinamagatang Liangjiahe, kung saan mababakas ang pitong taong pamumuhay at pagtatrabaho ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga taga-nayon ng Liangjiahe, simula noong 1969.

Larawan ni Xi Jinping noong 1972. (File phto: Xinhua)

Ang tahanan ni Zhang Qingyuan ay ang naging unang tirahan ni Xi Jinping, nang dumating siya sa Barangay Liangjiahe.

Nang sandaling pumasok si Xi Jinping at kanyang asawang si Peng Liyuan sa bakuran, daglian at may pananabik silang sinalubong ng 64 na taong gulang na si Gng. Liu Jinlian, at sinabing "naaala-ala mo pa ba ako?"

"Ikaw ang kabiyak ni Taiping! Dumalo kami sa inyong kasal," ani Xi Jinping. Itinuro ni Xi Jinping ang dalawang kuweba sa di-kalayuan, at sinabing "dito nanirahan ang inyong mga magulang at sa kabila naman kayo tumira ng iyong asawa."

"Tama ka! Naaala-ala mo pa rin, matapos ang maraming taon," may paghangang sabi ni Liu Jinlian.

"Paano ko iyon malilimutan," sabi naman ni Xi Jinping habang nakangiti.

Noong 1993, bumalik si Xi Jinping sa Liangjiahe para bumisita. Biniro ni Zhang Qingyuan si Xi Jinping at tinanong, "bakit hindi mo pa dinadala rito ang iyong kabiyak?"

Nang bumalik si Xi Jinping sa Liangjiahe noong 2015, pumanaw na si Zhang Qingyuan.

Nang malaman ni Xi Jinping ang balitang ito, napuno siya ng lungkot. Tinanong niya kay Gng. Liu, "ano ang naging problema?"

"Nagkaroon siya ng asthma at emphysema," ani Gng. Liu.

"Ang mga ito ay hindi nakamamatay na sakit. Bakit hindi siya nagamot...?" tanong ni Xi Jinping habang hindi niya maitago sa kanyang mukha ang kalungkutan.

Sa kanyang pagpapatuloy, tinanong ni Xi Jinping si Gng. Liu, "kumusta ang buhay mo?"

"Maganda naman ang buhay ko rito," sabi ni Gng. Liu. "Kumpleto naman ang aming pagkain, pananamit, at sapat ang aming saligang pangangailangan sa pang-araw-araw," dagdag pa niya.

Hawak ang kanyang kamay, sinabi ni Xi Jinping kay Gng. Liu na ingatan niya ang kanyang sarili at kalusugan. Habang naglalakad palayo, lumingon si Xi Jinping at sinabi niyang "sisikapin kong magkaroon ng panahon para bumisita muli."

Ang susunod na destinasyon ni Xi Jinping ay ang tahanan ni Lv Housheng, na pinapagitnaan ng isang ilog mula sa bahay ni Gng. Liu. Ang ilog na ito ay dumaraan din sa gitna ng buong barangay. Ang tahanan ni Lv Housheng ay ang naging pangalawang tirahan ni Xi Jinping sa kanyang pananatili sa Lingjiahe.

Nang lumabas sa kanyang tahanan si Lv Housheng 吕侯生 para batiin ang kanyang mga espesyal na panauhin, nakangiting sinabi ni Xi Jinping na "ang ganda ng suot mo!"

Pabirong sinagot ni Zhang Weipang, isa pang taga-nayon, na "Siyempre!Isa nang negosyante si Housheng!

"May-ari lang ako ng wheelchair," nahihiyang sabi ni Lv Housheng.

Tumawa si Xi Jinping at bumaling sa kanyang asawa upang sabihing, "si Housheng ay 12 o 13 taong gulang lamang noon. Siya ang aking katulong."

Dumating ang iba pang mga bisita sa bakuran ni Lv. Sinabi ni Xi Jinping sa kanyang asawang si Peng, "ang kuwebang iyon, sa bandang dulo ay ang aking dating tirahan. Halos pareho lamang ang edad namin noon ni Housheng, kaya lagi kaming magkasama. Mula noong bata pa siya, magaling na siyang magluto. Ipinagluto niya ako ng pagkain, at tinuruan din niya ako kung paano iluto ang mga ito. Noon, wala kaming masyadong mantika, pero napakagaling ni Housheng. Dudurugin niya ang ilang Almond, at paiinitin sa kawali upang makuha ang mantika mula rito. Ito ang ginamit niya sa pagluluto ng patatas at kalabasa, na talaga namang napakasarap!"

Sa panirahang kuweba, kung saan sila dating nakatira, magkatabing umupo sina Xi Jinping at Lv Housheng sa Kang, isang uri ng nakataas na higaang gawa sa pina-initang ladrilyo, at magkasamang inala-ala ang kanilang nakaraan.

Habang hawak ang kanyang kamay, sinabi ni Xi Jinping kay Lv Housheng na nababahala siya dahil nahihirapang maglakad ang matalik na kaibigan.

Sinabi naman ni Lv na, "ang paglalakad sa patag ay walang problema. Pero, hindi ko na kayang magtrabaho nang mabigat. Kaya, sumasakay ako sa wheelchair."

Noong 1994, nagka-osteomyelitis si Lv. Dalawang buwan siyang naospital at mahigit 6,000 yuan RMB ang ginastos, ngunit hindi pa siya gumaling. Walang mapagpipilian si Lv at sinulatan niya si Xi kaugnay ng kanyang situwasyon. Pinadalhan kaagad ni Xi si Lv ng pamasahe para pumunta at magamot sa Fuzhou. Noong panahong iyon, si Xi ay nanunungkulan bilang pirmihang miyembro ng Fujian Provincial Party Committee, at Fuzhou Municipal Party Secretary. Nang maospital si Lv sa Fuzhou, halos araw-araw na dumalaw si Xi kay Lv. "Housheng, upang gumaling ka, babayaran ko lahat ang gastos, gaano man ito kataas, kasi magkaibigan tayo," sabi ni Xi kay Lv.

Nang bumuti si Lv, umuwi siya. Noong 1999, inoperahan si Lv at pinutol ang kanyang binti. Nang malaman ito ni Xi, binayaran niya ang lahat ng gastos na medikal.

Matapos bumisita sa matandang tirahan, nagdesisyon si Xi Jinping na bisitahin naman ang kasalukuyang tirahan ni Lv Housheng. Ang bagong panirahan ng kaibigan ni Xi ay maraming palamuti, kaaya-aya, at maliwanag. Sa kanyang pagtingin sa mga larawan sa dingding, kinumusta ni Xi ang kalagayan ng lahat ng miyembro ng pamilya ni Lv.

Makaraang magpaalam kay Lv at kanyang pamilya, ipinagpatuloy ni Xi Jinping ang paglalakbay sa barangay, sa gitna ng naghihintay na mga tao. Kahit matagal nang panahon ang nakalipas, naaala-ala pa rin ni Xi Jinping ang mga pangalan ng bawat may-ari ng mga kuwebang panirahan na kanilang dinaraanan.

Sa pagtunton sa daan sa tabi ng ilog, di-nagtagal ay dumating si Xi Jinping sa kuwebang panirahan kung saan siya tumira ng 5 taon, habang nasa Liangjiahe. Tumira si Xi sa isa sa anim na kuwebang panirahan sa bakuran, na itinayo ng lokal na yunit pamproduksyon noong 1970. Dito nanatili si Xi haggang sa kanyang paglisan noong 1975.

Sa loob na dingding ng kuwebang dating tirahan ni Xi Jinping, may isang kuwadro ng larawan, at sa loob nito makikita ang kopya ng dokumentong sulat-kamay mula sa sangay ng Partido Komunista ng nasabing barangay.

Nakasulat dito na:

Napagkasunduan sa pagtitipon ng Partido Komite ng People's Commune, Enero 10, 1974 na sina Kasamang Shi Yuxin, Shi Fenglan, at Xi Jinping ay mga miyembro na ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Sa dingding na panlabas naman ng panirahang kuweba, katabi ng tangke ng pilot methane, na ginawa nina Xi at mga taga-barangay, maraming taon na ang nakalipas, nakalagay ang pintang-kamay na poster na may mga salitang, "tiwala sa sarili at sipag." Ito ay mensahe kung saan kilala si Xi Jinping, 40 taon na ang nakakaraan.

Ang mga mamamayan ay may magandang buhay, na naglalagay ng ngiti sa mukha ni Xi

Bawat bundok, bawat sapa, bawat tao – lahat ito ay naaala-ala ni Xi Jinping.

At mismong ang mga ilog at dam sa Liangjiahe ay may kuwento kung paano tinulungan ng batang Xi Jinping ang mga taga-barangay upang magkaroon ng mas mabuting buhay.

Isa sa mga ito ang "Sent-Down Youth Dam" sa Lambak ng Bundok Mugua.

Sa panahong iyon, kasama ang mga miyembro ng CPC sa Liangjiahe, itinayo ng noon ay Village Party Chief na si Xi Jinping ang nasabing dam upang makagawa ng mga taniman. Magpahanggang ngayon, nagagamit pa rin ito ng mga taga-barangay.

Isa sa mga katulong ni Xi Jinping ay si Wang Xianjun. Unti-unti siyang naging sentimental habang ikinukuwento ang kanilang mga ginawa noong panahong iyon. Sinambit din niya ang slogan na isinulat ni Xi Jinping, na nagbigay ng inspirasyon sa kanilang gawain.

"Apatnapung taon na ang nakalipas, pero natatandaan mo pa rin?" tanong ng napahangang si Xi.

Sabi ni Xi, "noong panahong iyon, upang itayo ang dam, hindi man lang namin naisip ang magiging resulta sa aming katawan ng paglusong sa nagyeyelong tubig." Ilang taon matapos makumpleto ang proyekto, nakaramdam ng sakit sa kanyang mga binti si Xi Jinping kapag malamig ang panahon; ito ay resulta ng kanyang pagtatrabaho sa dam.

"Nagkaroon na ba ng sira ang dam na itinayo natin?" tanong ni Xi Jinping.

"Nasira na ito, pero nagawa na namin," ani Shi Chunyang.

Pinagmasadang mabuti ni Xi ang dam, na naitayo sa kanyang tulong, at sinabi kay Shi Chunyang na palakasin ang oversight ng dam at siguraduhing ito ay ligtas, lalo na kapag tag-ulan.

Nang malamang may halamanan ng mansanas sa di-kalayuan, minabuti ni Xi Jinping na gumawa ng maikling pagbisita. Noong panahong siya ay nasa Liangjiahe, ang halamanan ng mansanas ay tigang na lupa. Pero, ngayon, ito na ay isang pinagkakakitaang orchard.

Sa kanyang pagbisita, di-maitago ang ngiti sa mukha ni Xi, habang nakikinig sa mga kuwento ng pagpupunyagi ng mga taga- Liangjiahe para maisulong ang kanilang negosyo ng mansanas, at kung paano nagbunga ang kanilang sipag at tiyaga upang magkaroon ng tubig sa gripo at Internet ang mga kabahayan.

Salin:Rhio
Edit:Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>