Ipininid Hulyo 3, 2018, ang Pandaigdigang Porum ng Kooperasyong Pambatas ng Belt and Road Initiative (BRI) sa Beijing. Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihikayat at kinakatigan ng Tsina ang pagpapalitan at kooperasyong pambatas ng BRI, at poponduhan ang mga proyektong pangkooperasyon sa larangan ng pananaliksik at pagsasanay sa batas.
Tinukoy ni Lu na nakahanda ang Tsina na palakasin ang koopersyon sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng batas, at pasulungin ang mas malaking progreso ng BRI. Aniya, ayon sa komong palagay na inilabas ng porum, isasagawa ang kooperasyong pambatas base sa prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahagi, iwasan at maayos na lutasin ang mga hidwaan, at nang sa gayo'y, magkakaloob ng mas matatag na pagkatig ng batas at garantiya ng mekanismo sa BRI.
Salin:Lele