Martes, Mayo 29, 2018, idinaos sa Pasuguan ng Myanmar sa Tsina ang promosyon ng turismo ng Myanmar. Ipinatalastas sa pulong ni Yee Mon, Pirmihang Kalihim ng Ministri ng Turismo ng Myanmar, na mula Oktubre 1 ng kasalukuyang taon, isasagawa ng kanyang bansa ang visa on arrival policy para sa mga turistang Tsino.
Kinapanayam ng mamamahayag ng CRI si Yee Mon, Pirmihang Kalihim ng Ministri ng Turismo ng Myanmar.
Ayon naman kay Yan Win, Tagapangulo ng Samahan ng Turismo ng Myanmar, na upang makahikayat ng mas maraming turistang Tsino, inilabas na ng Myanmar ang kaukulang patakaran, kinoordina at hinimok ang mga bahay-kalakal na panturismo na pag-ibayuhin ang laang-gugulin, para mapabuti ang mga pasilidad na panturismo. Aniya, layon nitong idebelop ang Myanmar bilang bagong sibol na destinasyon ng paglalakbay sa daigdig.
Salin: Vera