Hunyo 4, 2018—Nagbigay ang Embahada ng Tsina sa Myanmar ng 20 milyong Myanmar Kyat (mga 100 libong yuan RMB) sa Dr. Saw Mra Aung Foundation para sa konstruksyon ng mga tulay sa kanayunan ng Rakhine State ng Myanmar.
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar na umaasa ang pamahalaang Tsino na magsisikap, kasama ng pamahalaan at mga di-pampamahalaang organisasyon ng Myanmar, para sa pagbawas ng kahirapan at pagtamo ng kaunlarang pangkabuhayan ng Rakhine State ng Myanmar, at nang sa gayo'y, maisasakatuparan ang katatagan ng rehiyong ito.
salin:Lele