Nakipag-usap sa Phnom Penh, Hunyo 18, 2018 si Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya sa dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Tsina na si Wei FengHe.
Ipinahayag ni Hun Sen ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan at konstruksyon ng hukbo ng Kambodya. Hanga siya sa tagumpay na natamo ng Tsina sa konstruksyong pang-estado, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping. Kinakatigan aniya niya ang hinggil sa pagtatatag ng komunidad ng pagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at Belt and Road Initiative na itinataguyod ng Tsina. Dagdag pa niya, sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nakahandang magsikap ang Kambodya kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Wei na sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Xi at Punong Ministrong Hun Sen, walang tigil na umuunlad ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Kambodya. Aniya, nakahanda ang hukbong Tsino na magsikap, kasama ng hukbong Kambodyano para tupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.