|
||||||||
|
||
Sina Chef Michael Vincent Tapiador (kanan) at Chef Rodelio Dela Cruz (kaliwa) ng Conrad Manila
Simula ngayong araw, Hulyo 10 hanggang Hulyo 15, 2018 matitikman sa Makan Kitchen ng Hilton Beijing ang piling mga putaheng Pinoy.
Bilang bahagi ng mga pagdiriwang ng Ika 120 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng PIlipinas, binuksan kagabi sa Hilton Beijing ang Flavors of the Philippines.
Ambassador Jose Santiago Sta. Romana
Sa kaniyang remarks sa opening ceremony, ibinahagi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, embahador ng Pilipinas sa Beijing, nasa puso ng kulturang Pilipino ang pagkain. Aniya pa, pinagsama-sama sa lutuing Pinoy ang katutubong sangkap at paraaan ng pagluluto, at impluwensiya ng Kastila, Malay, Tsino at Amerikano. Inaanyayahan niya ang lahat na tikman ang mga natatanging pagkain sa isang linggong food festival.
Ilan sa mga kapistahan ng Pilipinas
Dalawang chefs mula sa Conrad Manila ang dumating sa Beijing upang maghanda ng iba't ibang putahe kasama ang mga chefs ng Hilton Beijing. Sila ay sina Chef Michael Vincent Tapiador at Chef Rodelio Dela Cruz.
Mga dumalo sa pagtitipon
Paliwanag ni Chef Michael, sa kaniyang remarks sa opening ceremony, lubos siyang nagpapasalamat sa pagkakataon na maibida ang mayamang culinary heritage ng Pilipinas. Aniya, kilala ang lutuing Pinoy sa maasim, maalat at matamis na lasa. Hangad niyang sa pamamagitan ng food fest ay maunawaan ng mga dadalong dayuhan ang pride and passion ng mga Pilipino.
Mga putahe
Sa panayam ng CRI, ibinahagi ni Chef Rodelio na ramdam niya ang kaba dahil unang beses nilang lumahok sa food festival sa labas ng bansa. Excited siyang maging kinatawan ng Pilipinas at nais na bigyang karangalan ang bansa sa pamamagitan ng pagpapakilala ng authentic Filipino cuisine. Kwento niya, kinailangan niyang mag-adjust ng kaunti dahil mahirap hanapin ang ilang ingredients sa Beijing, gaya ng malagkit para sa biko, suka para sa salads, at saba para sa panghimagas. Pero bitbit nila mula pa sa Pilipinas ang maraming mga sangkap upang maibahagi ang tunay na lasa ng mga pagkaing gaya ng kare-kare, sinigang at lechon.
Mga putahe
Inihain sa opening ceremony ang 6 main course na kinabibilangang ng adobo, kare-kare, Bicol express, pinakbet, halabos na hipon, lechon belly, inasal, sinugba, bulalo, sinigang, mga panghimagas na gaya ng halo-halo, ubeng halaya, leche flan at biko.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Rhio, Mac Ramos, at Lele
Web editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |