Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Filipino Community sa Shanghai, ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan

(GMT+08:00) 2018-06-18 18:23:01       CRI

Si Consul General Wilfrido Cuyugan habang nagbibigay ng talumpati sa 2018 Fiesta Pinoy Shanghai

Sa pagdiriwang ng Ika 120 Araw ng Kalayaan na ginanap sa Oishi Compound, Xinchang Town, Pudong New Area, Shanghai, Hunyo 17, 2018 pinahalagahan ni Consul General Wilfrido Cuyugan ang naging papel ng mga Tsino sa tagumpay ng rebolusyong Pilipino naging daan upang makamit ang kasarinlan ng bayan.

"Ang kasaysayan ng mga Pilipino at Tsino sa magkasamang pakikidigma ay naitala sa pamamagitan ng dugo at luha. Tulad ng mga Pilipino, ang mga Tsino ay nag-alay ng buhay para sa pagmamahal sa bayan, kalayaan, at kasarinlan. Kaya walang duda na ang pulang bahagi ng pambansang watawat ay may bahid ng dugo ng ating ninunong Tsino."

Tumulong ang mga Tsino sa pamamagitan ng direktang pakikipaglaban, tulong pinansyal ay pagkamit ng gamit-pangdigma dagdag ni Consul General Cuyugan.

Sa makabagong panahon patuloy na sumusulong ang ugnayan sa tamang direksyon. Ang bilateral na relasyon ay umuunlad at mabilis ang pag-usad ng mga kooperasyon. Naaayon ani Consul General Cuyugan ang lahat ng ito sa komong interes at hangarin ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina. Kapwa pinahahalagahan ng dalawang panig ang pagiging mapagkaibigang magkapitbansa.

Ang dalawang bansa ay may sariling tinatahak na landas ng kaunlaran. Nagtatagpo ito sa maraming mga pagkakataon at tunay na makikinabang sa mga oportunidad na alok ng Belt and Road Initiative ni Pangulong Xi Jinping, pahayag ni Cuyugan.

Sa ngalan ng Filipino Community in Shanghai ipinahayag ni Michelle Teople Shen ang pagsuporta sa mga adhikain ng pamahalaan ni Pangulong Duterte

Sa ngalan naman ng mga Filipino na naninirahan sa Shanghai, ipinahayag ni Michelle Teope-Shen ang tugon sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na binasa sa pagdiriwang. Aniya ang mga Pilipino ay nabibilang sa lahing masidhing nilabanan ang panunupil ng dayuhan at kumalas sa pagkakagapos sa kamangmangan at kahirapan. Ang mga gawaing iniwan ng mga ninuno ay patuloy na dapat tugunan. Nanawagan siya mga kababayang maging katuwang sa pagkamit ng kaunlaran ng sambayanan, lalo na para sa kapakanan ng mga hikahos at nangangailangan.

Ipinahayag niya ang pagsuporta sa mga adhikain tungo sa ligtas, masagana, walang-iligal na drogang lipunan at malinis na pamahalaan.

Sa pagtatamo nito, matatamasa ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat at kanilang pamilya ang tunay na bunga ng kanilang pagpupunyagi. Bagamat nasa labas ng bansa, katuwang ng mga OFW ang lahat ng mga kababayan sa Pilipinas at kasamang naghahangad ng magandang kinabukasan.

Pagtatanghal ng Tribu Hiligaynon

Pagtatanghal ng Lumad Mindanao

Santacruzan

Ibinida ng mga Igorot ang kanilang natatanging kultura sa Fiesta sa Shanghai

Mula naman sa grupo ng Dai Ichi Electronics ang interpretative dance ng awiting Piliin Mo Ang Pilipinas

Ipinakilala rin ng Dai Ichi Filipino Chinese dancers ang Panagbenga festival na ginaganap sa Baguio City tuwing Pebrero

Ang pagdiriwang ay nagtampok ng mga pagtatangahal na nagpakilala sa mga pestibal ng bansa na kinabibilangan ng Dinagyang at Maskara na inihandog ng Tribu Hiligaynon, Panagbenga mula sa grupo ng Dai Ichi Electronics, katutubong mga sayaw na mula sa grupong Lumad Mindanao at isang interpretative dance ng awiting Piliin Mo ang Pilipinas na mula rin sa grupo ng Dai Ichi Electronics. Samantala ang mga kabataan ay pumarada naman sa isang maringal sa Santacruzan. May mga booth din sa Fiesta Pinoy sa Shanghai na nag-alok din ng mga pagkaing Pinoy.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>