NAGKAHARAP na si Pangulong Rodrigo Duterte at Arsobispo Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaninang ika-apat ng hapon. Layunin umano ng pamahalaang maibsan ang tension sa pagitan ng Simbahan at Pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na muna magsasalita ng maaanghang na kataga ang pangulo laban sa Simbahan.
Naunang humiling ng "ceasefire" ang pamahalaan sa nagaganap na mga akusasyon sa magkabilang panig. Hindi umano magdadalawang-isip ang Pangulong Duterte na bumanat na naman kung may magsisimula na naman.