Noong ika-6 ng Hulyo, 2018, nagpataw ang Amerika ng karagdagang taripa sa mga produktong mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 34 bilyong dolyares, at bilang ganti, sapilitang nagpataw din ang Tsina ng taripa sa mga kalakal na iniluluwas ng Amerika na gaya ng soy bean. Ayon sa pag-analisa ni Wang Liaowei, Senior Economist ng China National Grain & Oils Information Center, ang alitang pangkalakalang inilunasd ng Amerika ay babago ng kayarian ng pandaigdigang kalakalan ng soya, pero, ang Tsina ay may kakayahang kaharapin ang pagkulang sa nasabing produktong iniluluwas ng Amerika.
Aniya, dahil sa pagtaas ng presyo ng soya mula sa Amerika, sa halip, ang mga soya mula sa Brazil, Argentina, at iba pang bansa sa Latin Amerika ay makakapasok sa pamilihan ng Tsina.
Ayon sa datos, nitong 20 taong nakalipas, 85% ng paglaki ng kalakalan ng soya ng buong daigdig ay mula sa Tsina, at malaki rin ang pangangailangan ng pamilihang Tsino dito. Kung ipagpapatuloy ang alitang pangkalakalan, mawawala sa mga magsasaka ng Amerika ang benepisyo mula sa malaking pamilihan ng Tsina.
salin:Lele