Ipinahayag Hulyo 10, 2018 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng pamahalaan ng Myanmar, dadalo si Sun Guoxiang, Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Asya sa ika-3 pulong ng 21st Century Panglong Conference.
Ani Hua, kinakatigan ng Tsina ang pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan ng Myanmar at pagsisikap ng ibat-ibang panig ng bansa para rito. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang ibat-ibang panig ng Myanmar para lutasin ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo, para maisakatuparan ang tigil-putukan sa lalong madaling panahon. Ito aniya'y para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapapan at kaunlaran ng bansa. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang konstruktibong papel sa usaping ito.