Kinatagpo Hulyo 16, 2018 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Donald Franciszek Tusk, Chairman of European Council at Jean-Claude Juncker, Chairman of European Commission, na kapuwa dumalo sa Ika-20 China-EU Leaders' Meeting.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang Tsina at EU ay kapuwa nagiging tagapagtatag ng kapayapaan ng daigdig, tagapag-ambag ng pag-unlad ng daigdig, at tagasuporta ng kaayusang pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng EU para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership at kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng dalawang panig, para bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan nito.
Ipinahayag naman nina Tusk at Juncker na may mahalagang katuturan ang estratehikong pagtutulungan ng Tsina at EU sa ibat-ibang larangan. Pinasalamatan anila nila ang suportang ibinibigay ng Tsina sa pagpapasulong ng integrasyon ng Europa. Anila, nakahandang magsikap ang EU, kasama ng Tsina para palawakin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Anila pa, nagsisikap ang EU, kasama ng Tsina para pasulungin ang multilateralismo ng daigdig, pangalagaan ang kaayusang pandaigdig na itatatag batay sa regulasyong pandaigdig, maayos na lutasin ang mga isyu ng ibat-ibang bansa ayon sa paggagalangan, at pabutihin ang multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig sa negosasyon at diyalogo.