Ipinahayag Hulyo 17, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malugod na tinatanggap ng Tsina ang isinagawang pagtatagpo nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa Helsinki, Finland.
Ani Hua, bilang pirmihang kinatawan ng UN Security Council, ang pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagpapalawak ng kooperasyon ng Rusya at Amerika ay makakatulong hindi lamang sa kapayapaan at pag-unlad ng daigdig, kundi maging sa magkasamang pagharap sa iba't-ibang hamon ng komunidad ng daigdig. Suportado aniya ng Tsina ang mga ito.