Ipinahayag Hulyo 17, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang totohanang mapapasulong ng annual Australia-US Ministerial Consultations (AUSMIN) ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
Ayon sa Australian media, tatalakayin ng AUSMIN na idaraos sa ika-23 hanggang ika-24 ng Hulyo ang hinggil sa umano'y nakapipinsalang panghihimasok ng Tsina sa Pacific Island Countries (PIC).
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na gumawa kamakailan ng paglilinaw ang mga lider at pangunahing media ng PIC bilang tugon sa nasabing mga bali-balita. Ipinahayag aniya ng PIC na nagkakaiba ang isinasagawang aksyon ng Tsina at ilang mga bansa. Aniya, alam ng Tsina ang mithiin ng mga mamamayan ng PIC, at binibigyan sila ng paggalang at tulong na totohanan nilang kinakailangan.