Kaugnay ng pag-aapela ng Estados Unidos sa mekanismo ng pagresolba sa alitan ng World Trade Organization (WTO) hinggil sa ganting hakbangin ng Tsina sa section 232 measures ng Amerika na magpapataw ng taripa sa pag-aangkat ng asero at aluminium, tinukoy Miyerkules, Hulyo 18, 2018 ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na legal ang hakbangin ng panig Tsino, at angkop ito sa regulasyon ng multilateral na kalakalan. Dapat itigil ng panig Amerikano ang hakbangin ng limitasyon na lumalabag sa regulasyon ng WTO, dagdag pa ng nasabing tauhan.
Sa ngalan ng umano ng "katiwasayan ng bansa," ang section 232 measures ng Amerika ay, sa katunayan, proteksyonismong pangkalakalan, at ito ay komong palagay ng maraming kasapi ng WTO. Aniya, ang hakbangin ng panig Amerikano ay grabeng nakasira sa regulasyon ng multilateral na kalakalan, at nakapinsala ito sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kasapi ng WTO na kinabibilangan ng Tsina. Ang sapilitang ganting hakbangin ng Tsina ay para balansehin ang kapinsalaan sa interes ng panig Tsino na dulot ng section 232 measures, at pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, dagdag pa ng nasabing tauhan.
Salin: Vera