Inilabas kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang listahan ng 50 bilyong Dolyares na aangkating panindang Tsino, na papatawan ng karagdagang 25% taripa. Bukod dito, nagbanta ang Amerika na maglalabas ulit ng listasan ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino, na nagkakahalaga ng 200 bilyong Dolyares. Tungkol dito, ipinahayag ng ilang dalubhasang pangkabuhayan na limitado ang impluwensiya ng nasabing mga hakbangin sa kalakalan ng Tsina. Tinataya nilang mananatiling matatag at malusog ang kabuuang kalagayan ng kabuhayang Tsino, kabila ng mga hakbang ng Amerika.
Ipinahayag ni Hua Changchun, Chief Economist ng Guotai Junan Securities, na ayon sa aktuwal na pagtasa, hindi malaki ang epekto ng nasabing mga taripa ng Amerika. Aniya, ang listahan ng halos 50 bilyong Dolyares na aangkating panindang Tsino ay katumbas lamang ng mga 2% ng pagluluwas ng Tsina.
Salin:Lele