Nakipag-usap Hulyo 18, 2018 sa Beijing si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Tun Daim Zainuddin, Sugo ng Pamahalaan ng Malaysia. Ipinahayag ni Wang Yi na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Malaysia para pahigpitin ang ugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, palalimin ang pagtutulungan sa "Belt and Road Initiative," palawakin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pangdaigdig. Ito aniya'y makakatulong sa pagbibigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang panig, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Daim na pinahahalagahan ng Malaysia ang pakikipagtulungan sa Tsina. Positibo sila sa "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, nananabik si Punong Ministro Mohamad Mahathir na dumalaw sa Tsina, sa lalong madaling panahon.