Dumating Hulyo 22, 2018 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kigali, Kabisera ng Rwanda at sinimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Ipinahayag ni Xi, ang pagbati sa pamahalaan at mga mamamayan ng Rwanda. Tinukoy ni Xi na kahit malayo ang dalawang bansa, mainam ang relasyon at malalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Rwanda. Nananalig aniya siyang, ang mga matatamong bunga ng pagdalaw na ito ay magbibigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Mainit na pagtanggap naman ang isinalubong ni Paul Kagame, Pangulo ng Rwanda sa pagdating ni Xi. Aniya, ang pagdalaw ay tiyak na magpapalalim sa kooperasyong pangkaibigan ng Rwanda at Tsina.
salin:Lele