Bago ang kanyang pagdalaw sa Timog Aprika, inilathala Hulyo 22, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Magkasamang Lumikha ng Pagkakaibigan ng Tsina at Timog Aprika sa Bagong Panahon" sa mga pahayagan ng Timog Aprika na gaya ng Sunday Independent, Sunday Tribune at Weekend Argus.
Anito, umunlad ang relasyon ng Tsina at Timog Aprika mula partnership tungo sa comprehensive strategic partnership, at nagbunga ng malakas na tunguhin ng pagpapalalim sa iba't ibang larangan. Nabanggit din ni Xi sa kanyang artikulo, na ang idaraos na BRICS Summit sa taong ito ay unang summit sapul nang pumasok ang kooperasyon ng BRICS sa ika-2 "Golden Decade," puspusang kumakatig ang Tsina sa matagumpay na pagdaos ng summit, para mapalalim ang unipikasyon at kooperasyon ng BRICS, at maisakatuparan ang komong pag-unlad.
salin:Lele