Sa regular na press conference Hulyo 24, 2018, dito sa Beijing ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina at Indya na palalaimin ang kooperasyon nila at mga bansa ng Aprika para sa mutuwal na kapakinabangan at win-win na bunga.
Ayon sa ulat, magkasabay na dumalaw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Narendra Modi ng Indya sa Rwanda, at nilagdaan nila ang mga kasunduang pangkooperasyon ng Rwanda ng Tsina at ng Indya.
Ipinahayag ni Geng na bilang mga malaking umuunlad na bansa, nakahanda ang kapuwa Tsina at Indya na magkaloob ng tulong sa pagpapabilis ng progreso ng industriyalisasyon at pagsasakatuparan ng sariling pag-unlad ng Aprika, sa ilalim ng South-South cooperation framework.
salin:Lele