Noong ika-15, Enero, 2018, ipinahayag dito sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Dong Lang area ay teritoryo ng Tsina, at patuloy na isagawa ng Tsina ang karapatan ng pangangsiwa sa rehiyong ito ayon sa soberanya.
Ayon sa ulat ng media ng India, ipinahayag kamakailan ni Bipin Rawat, Indian Army Chief General na ang Dong Lang ay hindi kabilang sa Indya, nguni't pumasok ang mga tropang Indyano sa teritoryo ng ibang bansa. Tungkol dito, sinabi ni Lu na ang Dong Lang ay isang bahagi ng Tsina at matatag na pinapangalagaan ng tropang Tsino ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Hinimok din niya ang tropang Indyano na aralin ang karanasan at lagumin ang aral, sumunod sa kasunduan ng hanggahan, at aktuwal na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong panghanggahan, at nang sa gayo'y, lumikha ng mainam na kapaligiran para sa positibong relasyon ng dalawang bansa.
salin:lele