Idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Hulyo 2018, sa Johannesburg, Timog Aprika, ang dialogue meeting ng mga lider ng BRICS plus. Dumalo sa pulong ang mga lider ng 5 bansang BRICS, at mga lider o kani-kanilang kinatawan ng 21 bansang panauhin.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng kasalukuyang mga pagkakataon at hamon ng daigdig, kailangang palakasin ang kooperasyon ng mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa. Iniharap din niya ang 4 na mungkahi hinggil sa pagpapalawak ng kooperasyon ng BRICS plus, na kinabibilangan ng pagpapalalim ng partnership na may mutuwal na kapakinabangan, paggagalugad ng mga bagong lakas-tagapagpasulong sa kabuhayan, paglikha ng paborableng kapaligiran ng daigdig, at pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig.
Tinalakay naman ng mga kalahok ang hinggil sa pandaigdig na kooperasyong pangkaunlaran at South-south Cooperation. Ipinahayag din nila ang pag-asang patuloy na idaraos ang dialogue meeting ng BRICS plus, para ito ay maging isang mekanismo. Ito anila ay makakabuti sa ibayo pang pagiging inklusibo at malawak ng kooperasyon ng BRICS.
Salin: Liu Kai